Wednesday, July 26th, 2006
“The aim of every artist is to arrest motion, which is life… and hold it fixed so that 100 years later, when a stranger looks at it, it moves again.” - William Faulkner
“The aim of every artist is to arrest motion, which is life… and hold it fixed so that 100 years later, when a stranger looks at it, it moves again.” - William Faulkner
8:30 ng umaga ako gumising kanina. Groggy and yawning,, dumiretso sa CR
para mag-mumog at hilamos. Dahan dahan kong nilapnos ang mukha ko ng tubig,
hindi magandang simula sa araw ang masabihan ka ng prof mo na may muta ka pa
habang nagpepresent kayo ng report sa harap ng klase.
Marami nang pagbabago sa mundo ngayon. Sinuri ko ng mabuti ang mukha ko sa
salamin. Unti-unti nang humahaba ang balbas ko. Pride and joy ko yan, dati
isang strand lang na humigit kumulang kalahating inch. Ngayon mga diyes na
piraso na 1.5 inches a piece na. Sa kabilang banda, bumibilog nanaman ang mukha
ko. kelangan ko nang bawasan talaga ang kinakain kong siomai dun sa aristocart
ni mang nestor sa UP. Daily routine ensues, breakfast, brush ng ngipin, ligo,
hagilap ng mga nakakalat na gamit, at diretso na sa -ops!- balik ng bahay dahil
muntik ko nang maiwan ang assignment ko, at sa wakas, pumanhik na ako papuntang
FA.
Marami nang pagbabago sa mundo ngayon. Sinita ako ng driver ng dyip sa aking
pagpunta sa aking kolehiyo. Kulang daw ng singkwenta sentimos ang aking bayad.
Sabi ko studyante ako. Alam daw nya, halata naman sa dami ng sketchpad at
materyales fuertes na bitbit ko. Pero 7.00php na daw talaga ang standard fare
sa discounted prices talaga. Tumataas daw ang bayarin, kaya kelangang maki-ride
na din sila kung hindi ay tigok sila sa utang o gutom. Not wanting to be a
murderer, especially of a whole family, minabuti ko nalang na ibayad ang kulang
singkwenta sentimos.
Marami nang pagbabago sa mundo ngayon. Hindi lamang ang pamasahe ang nagbago,
idagdag na din ang pisong itinaas ng C2 dun kina Mang Nestor. Ako’y nabagabag.
Naubos na nga ng tumaas na tuition fee ang nakalaang "pondo" sa akin
ng pamilya, unti unti pang kinakaltasan nitong mga bagong dagdag na bayarin ang
aking baon. Pati ang mga laro na nagsisilbing takas namen mula sa mapait na
katotohanan, tila sumasalamin sa nangyayari sa totoong buhay. Ang Sange &
Yasha at Eul’s Scepter of Divinity na simula noon pa man ay tinatangkilik na
naming mga DOTA players ay nagmahal na din. Paano nalang makakabitag ng madali
ang Shadow Shaman o ang Lycanthrope? Paano?
Marami nang pagbabago sa mundo ngayon. Lahat na tumaas, except yung mga bagay
na kelangan talaga nating tumaas. Unti-unting lumiliit ang aking baon, dahil
unti unti ding kinakain ang sweldo ng aking mga magulang. Naisip ko nalang ito
kanina nang napansin ko na hindi na sapat ang badyet ko para sa pangalawang
stick ng kikiam na nakasanayan ko na. Pagdating ko sa AS, may mga nag-a-abot ng
printouts. Umaasang ito ay ukol sa isang 90% off Adidas sale, nagmamadali akong
humingi. Much to my chagrin, Oblation newsletter pala yun ng USC. Shrug. Dahil
nasa akin na din naman yung kapirasong papel, inisip ko, I might as well read
it.
Marami na talagang nagbabago sa mundo ngayon. Maliban sa bumababang income ng
pamilya, may iba din palang bumababa. Ang populasyon nating mga iskolar ng
bayan. Morbid man pakinggan, totoo ito ayon sa nasabing newsletter na nabasa
ko. May mga dinakip, may mga pinatay, tila walang pakundangan. Di ko lubs
maisip kung ano ang umiikot sa utak ng mga pumaslang o dumakip sa kanila. At
this point, tumigil ako sa aking pagbabasa. Hindi ko na kaya ito. Wala na ba
akong makikitang positibo sa paligid? Kahit ang mga pelikulang ipinapalabas sa
SM ay walang kalatoy latoy. Kahit ang DOTA, may inflation na din. Wala na bang
ray of hope sa langit? Wala na bang silver lining ang mga ulap?
Marami na talagang pagbabago sa mundo ngayon. Ngunit lahat ng kailangan
magbago, ay hindi naman sumusulong. Tumingin ako sa paligid ko. Tila ako lang
ang nagiisip ng ganito. Lahat ng studyante sa AS lobby, nakatambay lang.
Nagtatawanan. Nagtetext sa mga sulok. Nagchichikahan. Nababaliw na ba ako? Ako
lang ba talaga ang naaapektuhan ng mga problema ng ating bayan? Hindi ko na
mapigilan, pumuputok na ang utak ko. Sensory Overload na. Masyado na akong
maraming iniisip. Pero wala namang nanyayari sakin. Nakatayo lang dito, hawak
hawak ang newsletter. Mukha siguro akong timang. When I came to myself, iisang
bagay nalang talaga ang naisip ko.
Kailangan na talaga ng pagbabago sa mundo ngayon.
The CFASC would like to thank the whole FA Community (FA ORGS, FA bands, students, faculty, alumni, marshalls, manongs, Mang Dong, Mang Obet, Mang Roy, atbp.), most especially the FA Freshies (!!!), for making FreshstART sa FA last Tuesday (July 11) a rousing success!!! Even with not-so-good weather conditions hounding the event, the turnout for the event exceeded expectations (madaming FA Freshies na pumunta!!!)… Congrats to everyone and we hope you had fun (at nabusog kayo!!!).
For the two winners of the trivia contests: Chalk Zaldivar and T. Penaflorick, we will contact you soon regarding your free set meals at Tomato Kick (#55 Maginhawa St., UP Village, Q.C.). Congrats!!
The event wouldn’t have been possible without the help of Guia, Goldie, Israel, Mania Kiss, CFASC VOLCORPS (Jomar, Yay, Tiffie, Cj, Ling, Brando, Marla, Tiff)!!! Maraming maraming salamat! Of course, special thanks to our valued sponsors:

55 Maginhawa St., UP Village, Q.C.

The best Kabab in town! Quezon Ave. cor. West Ave. Q.C.

Postscript: Israel (of FA Band PUNLAAN) would like to announce that their guitarist’s Epiphone guitar (Gothic black, maple, Epiphone brand) and 606 Zoom guitar fx got stolen by the taxi they rode going to FA. Please contact Israel if you encounter anyone selling the abovementioned items. Thank you.
Should you have any inquiries or confirmation of attendance, please contact the following:
Shahana Abdulwahid (shan)- 09275688418
Vanessa Faye Bolibol (ipay) - 09183391708
Thank you very much and we are hoping for your favorable response.